United States or Kiribati ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saca siya,i, magpilit sumacay na parati sa cabayo, at houag siyang hihiga na basa ang damit. Ang lahat na caniyang cacanin ay ang man~ga ualang liuag matanao sa sicmura: caya ang bagay lamang sa caniya ay ang man~ga gulay at ang gatas. Dito sa lupa nang Filipinas magaling ang gatas nang cabayong babayi. Na-aari naman ang gatas nang babaying tauo, at ang magaling ay doon na sumuso ang maysaquit.

Na-aari rin ang tubig sa saguing na pinan~gan~ganlang abaca. Gayon din ang ugat nang pandacaquing itim, cun cayurin muna, at inumin ang quinayod sa caunting alac sa misa ó tubig, ay magaling din.

Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina nang azul.

Cun baga mayroong pulot ay mabuting lag-yan ang tubig nang tatlo ó apat na cuchara noon. Magaling naman ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao ; na-aari pati ang suerong malinao. Saca siya,i, magsumpit nang tubig na malacuco, ó nang bilin sa número 5. Cun gayon ang gaua nang tauo cun sungmasama ang damdam, magpatuloy man ang caniyang pagcacasaquit, caalam-alam hindi siya lulubha.

Cun ualang linta, ay na-aari ang cadlitan muna bago tanducan, ó tacluban nang ventosa, na ito,i, hindi gagauing miminsan lamang, cundi maquiilan. Pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit dahilan sa pagcuha nang dugo.

Touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa número 8, ay na-aari.

Datapoua cun malalim ang pagcabaon nang tinic ó pana sa laman, at hindi mabunot, ó mabunot man ang iba ay mayroon pang natitira doon, ay mabuting hiuain nang caunti, cun baga hindi pa totoong namamaga ang casangcapang na nasactan, sapagca cun malaqui ang pamamaga ay masamang hiuain; at ang gagauin cun hindi mahiua, ay tatapat na parati sa sin~gao nang mainit na tubig ang lugar na nasactan, saca tapalan nang tinapay na durog na may casamang gatas at lan~gis na bago nang niyog ó lana man; cun ualang tinapay at gatas, ay na-aari ang ugat nang dilao at ang lan~gis nang niyog na babayuhin capoua, bago itapal doon.

Magaling pa sa pandacaqui ang dahon nang hagunoy sa binayo. Na-aari naman ang sa número 68. Masama sa ganoong saquit ang alac , ang aguardiente at ang man~ga tapal na dinoroonan nang taba, sapagca yaong man~ga yaon ay nacacalapot sa dugo.

Ang timbang cahati nang hojas de sen, at ang timbang saicaualong nitro ó salitre, ibabad mo sa dalauang tazang tubig na mainit na pinaglagaan nang culutan, at pag malamig lamig na ang tubig, ay salain. Cun ualang hojas de sen, ay na-aari ang dahong tuyo nang acapulco, timbang cahati. Ang acapulco cundi ilaga,i, mahina ang cabagsican.

Cun uala,i, na-aari ang isang tabong cauayan, na binubutasan sa taguiliran sa dacong itaas, nang masootan doon isang caputol na cauayang munti, na munti rin ang butas, na, yaon ang ipapasoc nang maysaquit sa caniyang bibig, nang macasipsip siya nang sin~gao nang mainit na tubig na isisilid sa tabo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap