United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun munti ang saquit, magpaanyo lamang ang may catauan, at maghusay sa caniyang pagcain, sa pag-inom, at sa pag-gaua, ay hindi cailan~gang sangrahan. Datapoua,i, magaling na lalo ang sangrahan, at painumin nang bilin sa número 2. Saca bañusan hangan tuhod ang maysaquit cun umaga, at sumpiting minsan cun hapon. Tatapalan naman ang caniyang liig nang bilin sa número 9.

Cun baga hindi rin lungmalacas ang maysaquit, cundi tila hindi nacacaramdam, ay capilitang doonan nang parapit sa man~ga binti ó sa batoc número 36; pag natuyo ang man~ga parapit, ay pinapaltan nang ibang bago. Ang man~ga parapit iniiuan doon nang mahabang arao.

Datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailan~gan sumpitin ang maysaquit arao-arao n~g maquiilan nang bilin sa número 5, ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang bituca nang baca ó manoc. Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa gatas ; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó bulaclac nang alagao ay mabuti rin.

N~guni ang gagauin sa ganoong maysaquit, ay gayon: Sasangrahang minsan ang maysaquit, ó macalaua, cun siya,i, mataba,t, marugo. Paiinumin siya namang parati nang suero número 17, Palolonoquin nang píldoras número 18, at paiinumin naman nang sa número 24. Bucod dito,i, pupurgahin siya nang turo sa número 47. Maigui rin doon ang bilin sa número 71.

Ang ibang man~ga pasucang bilin doon sa número 34 at sa 35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang jalapa, sen at crémor ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang maná ó cañafistula timbang cahati.

Saca painumin naman siyang macalaua ó macaitlo arao-arao nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Totoong galing dito ang sa número 32, cun uala yaong isang turo sa número 24, at iisa rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. Cun ang saquit ay ungmu-unti na, ang bilin sa número 51, ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.

Cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing ó sungmasaquit ang bay-auang, ó ang tuhod bago painumin nang dita ay pupurgahin muna nang bilin sa número 21 ó 23.

Pagca magaling-galing na ang maysaquit, ay mayroong oras na hindi na siya nalalagnat ay itinutuloy ang bilin sa número 3, at touing arao pinaiinom nang bilin sa número 24 timbang cahati ang isang inom. Ito,i, nacacauala nang masamang bacas nang saquit.

Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.

Cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang man~ga paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang baca, ó cambing, ó calabao.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap