United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !


At humingi naman dito nang isang malaquing frasco, na may lamáng tubig ito may negrita at negrito. At isang corong músico ang hiningi naman dito, di naman maquiquita mo ang tumutogtóg na tauo. Ang isang catacá-tacá sa laróng palabás niya, ay may hauac na suplina ang mariquit na negrita. Siya ngang pag-uinica na ang músico'i, tugtuguin na, at magsayáo ang dalauá na negrito at negrita.

Saca papaluin naman ang negritong caagapay cun ano't, ang nasasactán ang príncipeng si don Juan. Aróy co ang uiuicain sinong pumalo sa aquin, capagdaca ay lilingapin ay ualang tauong casiping. Siyang pag-uiuica naman ulitin ninyo ang sayáo, músico'i, magtutugtugan nacaaalio sa lumbay. Sacá naman mag-lilibád negrito't, negritang hayág, maraming tauong di hamac ang nagsisi-panguilalás.

Sa oras ding ito bagá ang músico'i, naualá na, ang negrito at negrita hindi na nila naquita. At ang frasco nga ang siyang bucód na natira lamang, siya ang quinalalag-yan niyong cay don Juan buhay. Ang uinica nang princesa diyata don Juan aniya, di mo pa naquiquilala yaong si doña María. Yayamang gayon din lamang aco'i, ualang cabuluhán, pagsisi nang casalanan at siya mong cahanganan.

Ay nang may isang oras na pag-lalaró nang dalauá, ay nangusap ang princesa ang músico'i, itahán na. Ang tanong nitong negrita don Jua'i, diyata bagá, totoong di mo quilala itong si doña María. Isinagót nang negrito hindi natatalastas co, anang negrita'i, ganito sasabihi'i, paquingan mo. Di cayo'i, nang aabutan nang haring Salermong mahal, gumaua pa nang paraan itong princesang timtiman.