United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang caawaawang tao'y nagpúpuyat sa guitnâ n~g canyáng m~ga anác na nan~gatutulog sa canyáng síping; iniisip ang m~ga bulang dapat bilhín upang mápahin~galáy ang m~ga magulang at ang namatáy na esposo. "Ang píso anyá ang píso'y isáng linggóng caguinhawahan n~g aking m~ga anác; isáng linggóng m~ga tawanan at m~ga catuwâan, ang aking inimpóc sa bóong isáng buwan, isáng casuutan n~g aking anác na babaeng nagdádalaga na." Datapuwa't kinacailan~gang patayín mo ang m~ga apóy na itó ang wíc