United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang mga mujik ay nagtitipon, nagsalitaan, nagsanggunian kung ano ang marapat gawin sa kanila, at ito ang sinabi sa akin: Ikaw na ang bahalang mag-alaga sa mga sanggol na ito, iyong pasusuhin at mapagiisip-isip mo ang lalong magaling.
Nilimot ko ang aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga mujik , pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. ¡Teka! Di mo ako dinalhan ng kuwarta. ¡Maraming salamat! ¡May Diyos!