United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ipinalálagay n~g m~ga táong may culay, na sila'y ucol sa m~ga dapat uyatín at pawaláng halagá, baga ma't sila'y m~ga táong mahal na lubós, palibhasa'y isáng sacsìng nagpapatotoo n~g canilang pinangalin~gan ang canilang pagmumukhâ, at ang bágay na ito'y siyáng sa canila'y nacapagbíbigay n~g cakimian, dahil sa talastás niláng sa canila'y pagpapawaláng halagá n~g m~ga taga Europa: masamâ ang pagtin~gîn n~g m~ga europeo sa m~ga tagalog; anó máng waláng cabuluháng pagcacamalî nitó, na mangyayáring gawín din namán n~g cahi't dalisay mang lahî n~g isáng tubò sa Montmorency, ay linílibac n~g m~ga europeo, at isinisiwalat nila sa pananalitáng: "¡anó n~gâ bagá ang maaasahang gawíng mahusay n~g isáng taong may cúlay!"
Salita Ng Araw