United States or Italy ? Vote for the TOP Country of the Week !


Takpan ma't ipikit ang m~ga mata ko Ay naguguhit din ang m~ga paá mo, Paang mapuputing nakababalino Sa isip at buhay n~g payapang tao. Paáng makikinis at makaulul-palad, Ang hubog ay bagay sa laki mo't sukat, Ang m~ga sakong mo'y may pulang banayad, Ang m~ga paá mo'y singlambot n~g bulak. Parang m~ga paá n~g nababalitang Cleopatra at Leda n~g panahong luma, Pano'y m~ga paáng sa ganda'y bihira.

Pipintuhuin mo't panuyuang kusa ang iyong magulang na mapag-aruga, sila'y pan~galawa ni Poong Bathala na dapat igalang sa balat, n~g lupa. ¿May mahal pa kaya sa hinin~gang tan~gan? Ang iyong hinin~ga sa kanila'y utang. Ang pinagpalaki sa iyo'y paghirang, puyat, pawis, hirap at sampu n~g buhay.

Naputol ang tawánan dapwa't di ang bulúngbulúngan, di ang pagsulyáp sa demónyo at sa tinábig niyáng napangiwi't súkat. "Síno nga kayâ iyan?" ang mulîng usisa ng bálana. "Ah, kilala ko na! iyán ay si Tunyò" anang isa. "Hindî, si Basio iyán!" anang isa pa "tingnán mo't ang katawán ay Basiong-basio!" "Hindî; maniwal

Cung ito'y susundin sinong macamalay sa pangmu-muc-ha mo't quilos n~g catauan. n~guni at ang pusong "buminit n~g subiang n~g pusong inabot maca-capanáyam." Sa gayong narin~gig Romeo'y ang tugon hindi na pagtutol cun di ang pag-ayon, saca nagcaisa na hangang panahon hanapin ang ibang catoto't calayon.

Huag mong titigan ang alin mang hain, at gayon din naman kasalong panauhin paka-in~gatan mo't huag sasambitin ang bagay na baka nakaririmarim. Ang iyong m~ga siko ay huag mong isampa magpakailan pa man sa kakanang mesa, kahit anong ulam ay huag humingi ka, huag namáng pintasan ang kahit alin pa.

Bravo , ang pabiglá namang sabad ni Bakokoy, mulî na namang nagulat si Kamagong at sinabi sa kabiglaanan: ¿Lumálalâ ka? n~gayon tatanon~gin kita ¿nasa katuiran ba ang m~ga iyan? wala, mangyari m~ga romano ang sagot ni Bakokoy, biglang inagaw ni Tenteng Kamagong ang salitang ito Hwag natin anyang, dalhin sa Roma , ang salitaan ani Kamagong, at tayo'y nandito sa Filipinas , ang ating pinag uusapan sa m~ga oras na ito'y ang tungkulin n~g mamamáyang tawo dito sa Filipinas, sinasabi n~g kautusan n~g Diyos; piliin ang bawa't maibigan; sinasabi naman n~g Bill , kautusan sa Filipinas: Ang bawa't tawo'y may láyang gumawa n~g kanyang maiisipan, kaya't ang aking masasabi'y ganito: Natanto nating masama ang gawá n~g Frayle , masama din naman ang gawa n~g fiscalillo n~g panahong iyon, ¿natatalastas mo kung bakit? sa dahilang ang fiscalillong iyan ay amén n~g amén sa kanyang Apô-Apô; gaya din naman n~g pag amén mo sa ating Apô-Apô na si Kadiliman, na kapag sinabi sa iyo itatayo niya ang torre ni Babel n~g walang kilatis, dudukutin mona ang iyong pesetas para maiambag, kapag sinabi sa iyong igagagapák niya sa loob n~g tatlong araw ang templo n~g Jerusalem dudukutin mo na ang iyong kahati't walo't ibibigay kaagad, halos iyong inaagaw sa bibig n~g asawa mo't anak nang walang kinaoowian. ¿Sino n~gayon sa inyó ni Kadiliman ang may sála?

Aywan kung mayron pang hihigit sa kinis Sa m~ga kamay mong biluga't nilalik, Garing na mistula sa puti at linis, Sa lambot ay bulak, sa ganda'y pagibig. Ang m~ga daliring yaman mo't biyaya Ay di hugis tikin, ni hubog kandila; Ang ayos at hugis ay bagay at tama Sa sutla mong palad na laman n~g diwa.

Sa Haring tanggapin ang tao'y tinawag dalawang balutang yao'y iginawad ito'y labis mo nang puhunaning dapat sa hanapbuhay mo't nang di naghihirap. Ang kasipagan mo lamang ay dagdagan at ang iyong isip ay pakatalasan at magmula n~gayo'y huwag nang magpasan at tupdin ang aking mahigpit na bawal.

At n~gayong ang gab'i tungtong na sa lalim at ang sangtinacpan tahimic na't himbing, asahan mong, noon ang auit n~g daing catono'y n~g panglao n~g tugtog n~g libing. At cung touá naman maquita't marin~gig asahan mong, aco'y lugmoc na sa hapis, sa gayo'y sa pagcat hindi ca casanib at icao ay dusa ang lagoc mo't tiis.

Ako'y naririto't pinagsisisihan Ang aking nagawang m~ga kasalanan, Aking babaunin hanggang sa libin~gan Ang hinanakit mo't magagandang aral. Talagang nalisya ang aking pan~garap, Puso ko'y inabot n~g bagyo sa dagat, ¿Ano't ikaw pa n~ga yaong binagabag Gayong ikaw'y isang anghel na mapalad?