United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Noo'y nagdadalaga na si Edeng. At nang mahalatang ito at si Manuel ay waring nagmamahalan, ay nagisip ng daan upang magiit ang kanyang pagliyag. Ang pagkakalipat ng bahay nina Manuel ay siyang sinamantala ng binatang iyon; nakitulong sa paglululan sa karreton ng mga kasangkapan at dahil dito'y kinagiliwan ni Don José at ni Aling Mirang na mga magulang ni Manuel.
Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang at ang kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. José ay kaniyang kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi makalisiyon, kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at nang sina Edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na lumigaw kay Enchay.