United States or Azerbaijan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa loob nang ilang oras ang man~ga bulutong ay napupuno uli nang nana, cailan~gang hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. Itong gauang ito,i, nacauauala nang malaquing pan~ganib nang buhay nang binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana.

Pag nacaputoc na ang sibol, ay masamang palabasing minsanan ang maraming totoong nana, at ang maysaquit ay manghihinang totoo, maliliyo, at mamamatay tuloy cun minsan.

Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapan~ganib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapan~ganib ang buhay nang maysaquit.

Cun minsan itong lagnat na sucab sungmasama sa bulutong, sa tigdas, pati sa ibang man~ga saquit; cun gayo,i, pan~ganib na buhay nang maysaquit. Ang saquit na pan~giqui, na nagmamacalauang arao na pinan~gan~galan nang castilang tercianas; at ang nagmamacaitlong arao na pinan~gan~ganlan nang castilang cuartanas.

Maraming babaying matanda ang namamatay cun bagong tungmatahan ang pagdaan nang panahon sa canila; datapoua mayroong ibang gungmagaling sa rati ang canilang catauan, nauauala ang ibang man~ga saquit, at cun minsan ang dating nananalamin, sapagca malabo ang mata, ay nacaquiquita nang magaling, at iniiuan ang salamin. Nota.

Datapoua bago ilagay ang tali doon, ay cailan~gang pacausisaing maigui, cun mayroon pang natitirang bituca sa labas, at cun baga hindi napasoot ang lahat sa loob, ay masamang doonan nang tali ang maysaquit. Cun minsan ay hindi maipasoc ang bituca, sapagca ang saquit ay lauon na, at maraming bituca ang lungmalabas.

Marahil cailan~gang ipainom sa maysaquit hindi miminsan lamang cundi maquiilan ang saicapat na bahagui noon ding bilin sa número 35; at saca cun dahil sa pag-inom noong pasucang yaon, ay nacuha na ang caramihang bagay na marumi na iquinalalagnat niya, ay paiinumin touing icatlong arao, ó cun minsan arao-arao nang bilin sa número 38.

Saca ipinapasoc sa loob ang bitucang lungmalabas; itong pagpasoc nang bituca cun minsa,i, ualang liuag; cun minsan ay hindi sungmusunod, cundi marunong humipo ang mangagamot sapagca cailan~gang iriin nang camay na catulong ang man~ga daliri, at pinipilit pumasoc sa loob ang man~ga bituca.

Cun babayi ang nagcacasaquit nang-saquit na ictericia ó opilación dahilan sa hindi husay ang pagpanaog nang sa bouan, at hindi siya buntis, ay basahin mo ang capítulo 76, at sundin ang man~ga turo doon. Cun minsan iba ang punong pinagmumul-an nang ictericia; sa macatouid cun sungmusucal ang man~ga dinaraanan nang apdo nang tauo.

Ang sipón ay catulad nang saquit na pulmonía, pleuresía,t, garrotillo, munti lamang ang saquit; cun sinisipon ang tauo, ay namamaga rin nang caunti ang baga sa loob nang dibdib, ó ang ibang man~ga casangcapang naroroon sa ilong, sa noo, ó sa pisn~gi. Ang sipón hindi sucat hamaquing pabayaan, at cun minsan nacahihila nang man~ga saquit na malaqui sa dibdib, ó sa ibang lugar nang catauan nang tauo.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap