United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tinagnan ni Mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad itinuro sa kan ya ni Semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas, paglalapat ng suwelas, at pag-aanyo ng tahi. Sa ikatlong araw ay natutuhang lubos ni Mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang kaliksihan ay gayon na lamang, na parang isang daan nang taong manggagawa ng sapatos. Walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain.

Si Mikhail ay sumagot: Pinarusahan ako ng Diyos dahil, sa aking paglabag. Sa langit ay isang anghel ako, at siya ay aking sinuway. Nuon ay isa ako sa mga anghel sa langit at sinugo ako ng Diyos sa isang kaluluwa, sa kaluluwa ng isang babae. Bumaba ako sa lupa at nakita ko ang isang babae na nakalugmok sa higaan, may sakit at kapanganganak lamang sa dalawang batang babae.

Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini . Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang taba.

Si Mikhail ay tingin ng tingin. Agad napangiting masaya. Anong ikinatatawa mo? ang tanong ng barini . Pag-ingatan mo, na ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon. Si Mikhail ay sumagot: Mangyari, kailanman at kailanganin. Mangyari, ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.

Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na makahihigit pa kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at unti-unting yumaman si Semel.

Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping. Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito. Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino.

Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain. Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao na kailanman ay hindi nagkamali.

Kailangan ngang mamuhay, magkasiya sa sarili. Marunong ka bang gumawa? Wala akong nalalaman. Idinilat ni Semel ang mga mata at nagsabing. Natututuhan ang balang ibigin, kailan ma't di kukulangin ng pagkukusa. Lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba. Anong pangalan mo? Mikhail.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap