United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang buhok n~g mestisa ay sinaliksik at ginusot n~g m~ga saboy n~g confetti ; ang m~ga tayn~ga ni Tirso ay nabin~gaw halos sa itinututok na sigaw n~g m~ga tambuli, at sila kapwa, bagaman magkakawit n~g bisig at di naglalayo bahagya man, ay nagbata n~g di gagaanong pagkalukot n~g damit at pagkalupiras halos n~g boong katawan ... Gayon man ay lalo pa silang nagalak, katulad n~g madlang nakasalamuha nila.

Inaakala niyang sa gayong pagkapasubo ni Tirso sa harap n~g madla na umaming walang tutol sa pagpapalagay na sila'y magasawa, ay hindi na naman makapangyayari pa ang paguurong-sulong n~g makatang ito tungkol sa ninanasang mangyari n~g mestisa. N~guni't sa gayong pagdadala sa kanya sa pagamutan dahil sa ginawa niyang paghihimahimatayan, ay di niya maalaman kung paano ang gagawin.

Kung sa ganang kay Tirso'y napailalim siya sa pagkabighani niya kay Teang, nitong nalulurok na n~g boong pagpapahalaga n~g kanyang kaluluwaang bawa't bugtong o talinghagang iniuukol sa kanya n~g magandang mestisa ay parang ibinubulong n~g kanyang sarili na nalalapit na naman ang kanyang pamamaibabaw at ikatatampok sa karurukan n~g tagumpay.

Si Elsa'y biglang nakaramdam n~g kaba n~g dibdib. ¿Ano na kaya ang ibig sabihin n~g gayong pagtatanong?... Sabihin mo, Elsa, ang wika na namang narinig sa lalaki, ¿natatakot ka bang makipagsarilihan sa akin sa laot n~g kadiliman at sa loob n~g isang bangkang paris nito na tila duyang inuugoy sa ibabaw n~g tubig? At ang mestisa ay nangliliit manding sumagot n~g bahagyang: Hindi naman, Tirso....

Ang kapunapunang pagwawalang bahala na kanyang inasal sa harap n~g mapupusok na pitlag n~g damdamin n~g mestisa, na di na kaila sa marami, ay hindi mamakailang naging dahil n~g panunudyo't paglibak sa kanya n~g m~ga kapwa niya lalaki.

Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan mo, ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni Tirso. At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay nagbalobalong sumagot: Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi n~g di ko pagpayag sa kanilang anyaya. Higit diyan ay mayroon pa....

Subali't ¿bakit kaya baga't parang hindi pansin ni Elsa at waring hindi ikinasisiya ang alinman sa gayong kasiglahan? Inakala ni Tirsong marahil ay patuloy na nakapipinsala sa kanyang magandang mestisa ang karamdamang idinaing nang sila pa'y nasa sine. Kaya't inalok na magpauwi na.

Dili ang hindi natulo ang luha ni Dioni, pagkarinig n~g m~ga pahayag n~g kanyang minamahal na hipag. ¿Ayaw mo bang si Tirso ang maging kapalaran ko? itinanong mayamaya n~g mestisa. Hindi sa ayaw, kundi. ¡sa di oras ay nagkalayo tayo! ang lipos kapanglawang ipinakli n~g hipag. Dinaramdam ko, Dioni, n~guni't ... kung dumarating nang ganito ang sukat n~g tao ay sadya palang hindi maiiwasan.

Sa salitaang nauukol sa babaeng mestisa, ay di na kailan~gan ang paghahanap o paghihintay n~g kapalaran. Ang pagkakapalad n~g isang gaya natin sa harap n~g mestisa, ay di sa mestisa nanggagaling kundi sa atin din. Ang mestisa ay hindi kagaya n~g ating m~ga babaeng ibig na'y ayaw pa. Ang kaibang sangkap n~g dugo n~g isang paris ni Elsa ang nagbibigay sa kanya n~g kaibhan sa wagas na pilipina.

N~guni, lahat n~g kanyang naisip tungkol sa isasagot kay Elsa, ay di niya inibig na sulatin sa ayos n~g isang kalatas na ipadadala sa tinukoy na mestisa. Ang sulat ay isang katibayang kanawanawang maipapalad sa harap n~g ibang tao.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap