United States or Russia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Tayna, kung gayon, tan~ging naipulas sa bibig ni Tirso. May kalesang naghihintay sa atin sa daan. ¿Mayroon ba? Óo. At pagkapagiwan n~g ilang tagubilin sa m~ga alila, ang mestisa't ang makata ay magkasunod nang nanaog at nawala noon din sa dilim n~g gabi....

Aywan n~ga ba kung ako ang bukod na natatan~gi sa m~ga mapapalad na iyan.... At minsan pang namalas ni Tirso noon ang talagang pagmumukhang nahahapis n~g diwatang yaong kapatid n~g kasayahan. Ang mestisa't ang makata ay nagkatalikod noong taglay-taglay sa ubod n~g puso nitong huli ang m~ga bagong tibukin....

At ang mestisa't ang makata, makailang saglit pa, ay kasalamuha na sa di magkamayaw na taong naglisawlisaw mula sa Plaza Moraga hanggang sa pasalapang na dulo n~g Escolta. Sa m~ga pook na sinabi, gaya n~g ginagawa sa taon-taon, nang gabing iyo'y lumundo ang di mabilang na taong kung saansaang dako nagbuhat, m~ga taong paraparang kinababadhaan sa mukha n~g kagalakang hindi masayod.

Nicandro ang panunod na pagpanaog sa sasakyan n~g mestisa't n~g makata, ay siyang paglunsad sa malapit sa kanila n~g isang malaki't mabigat na katawan n~g isang lalaking ang kulay n~g mukha ay nakikipan~gagaw sa dilim n~g gabi. ¡Isang matabang negro! ang naibulong na punongpuno n~g mangha n~g kutsero sa dalawa niyang sakay. ¡Negro! ¡Negro n~ga! ang hindi naman magkantututong sambot n~g dalawa.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap