United States or Djibouti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Saka isinakay siya, di umano sa isang kahimahimalang hayop na ang pan~gala'y borak at inihatid siya mula sa templo n~g Mekka hangang sa Jerusalém. Mula rito ay isinama siya n~g angel Gabriel na sumampa sa pitong lan~git at doo'y nakipagbatian siya sa m~ga profeta, sa m~ga patriarka at sa m~ga angel.
Siya'y ipinan~ganak sa Arabia noong taong 569 at mula sa kanyang pagkabata ay naulila sa kanyang m~ga magulang: anopa't ang nagpalaki sa kanya ay si Abu Taleb na kangyang mabuting amain. Nang siya'y magkadalawang pu't limang taon ay naglingkod kay Kadihah na isang matandang baong taga Mekka na mayama't maran~gal, at sa kagandahang asal ni Mahoma ay naibigan hangang sa naging asawa.
Sa dako pa roon n~g ikapitong lan~git ay si Mahoma lamang ang pinatuloy, anopa't nalagpasan niya ang tabing n~g pagkakaisa at sa harap n~g luklukan doon ay nalugmok siya hangang sa siya'y tinapik n~g kamay n~g Dios. Pagkatapos ay bumaba siya sa Jerusalém, sumakay uli sa borak at nagbalik sa Mekka.