United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad ay nakialam ang dominico. ¡M~ga guinoo! ang sabi niyáng taglay ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na totoong nababagay sa m~ga fraile; huwag sana ninyóng papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng makikita cayó. Dapat nating ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote, sa canyáng pagcasacerdote, "per se" , ay hindî macasasakít n~g loob canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui: ang m~ga sinasabing "ab irato" , ang m~ga sinabing "exore" , datapuwa't hindî "in corde" , at ang sinasabing "in corde". Ang m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't dating tinatagláy n~g "in meate" sa isáng cadahilanan, ó cung nasabi lamang "per accidens" , sa pagcacáinitan n~g salit