United States or Afghanistan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo, ó sa lalamunan, ó sa baga, ó sa loob nang catauan nang tauo, ay cailan~gang sangrahan ang maysaquit; saca lalag-yan nang parapit sa man~ga binti número 36; at parating paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao , na dinoonan nang caonting salitre para nang turo sa párrafo 230.

Dahilan dito sa pag-iinom nang marami, palibhasa,i, ang sicmura,i, naroong parating puno, ay malacas lumaban sa baga, at hindi pinababayaang mabubo ang nana sa dibdib, cundí pinipilit magpaitaas sa lalamunan, at cun gayo,i, mailulura nang maysaquit. Saca pinapag-uubo ang may catauan nang suca at tubig, na biglang isinusumpit sa loob nang bibig nang isang sumpit na munti, na cauayan man.

Ang saquit na ang pan~gala,i, piyo ay marahil mamahay sa paa; ang damdam nang maysaquit ay siya,i, dinaraanan, ó binubusan nang malamig na tubig sa caniyang paa; cun minsan ang damdam niya,i, anaqui linalagari, ó binabatac, ó pinapaso ang man~ga daliri nang paa. Mayroon namang tauo, na pinipiyo sa camay ó sa ibang lugar nang catauan.

Cun biglang nauala,t, tungmahan ang pagdahac, at ang maysaquit ay dinaraanang uli nang hirap at lungmulubha, ay sasangrahang agad sa camay, cun baga hindi siya quinunan na nang maraming dugo. Pasipsipin namang parati nang sin~gao nang tubig na mainit at suca; at paiinomin nang bilin sa número 2. Ito ang gagauin sa maysaquit na malacas pa, na hindi pa nalalauong magcasaquit.

Nang houag sibulan sa mata ang maysaquit nang man~ga cun anoano, ay mag-in~gat siya sa pagcain nang marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay hindi siya sisibulan nang anoman sa mata. Cun ang bulutong ay maputi na,t, puno nang nana, ay malaquing galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting ó carayom man isa nang isa, at palabasin ang nana.

Cun baga hindi nasaol-an ang babayi, cundi namamatay, ay gagauin ang bilin sa párrafo 460, maca hindi patay ca totoo ang maysaquit. Datapoua nang houag umoli ang saquit, gagauin ang isusunod co dito n~gayon.

Casaysayan nang timbang nang man~ga iguinagamot nang man~ga médico sa man~ga maysaquit. Ang isang libra mayroong labing anim na onza, ó labing pitong piso. Ang isang piso,i, mayroong ualong saicapat. Ang isang saicapat ay dalauang saicaualo naman. Ang isang saicapat ay ga sandaang butil na trigo ó palay na hindi pili. Ang isang piso ay dalauang salapi. Ang isang piso at saicaualo ay isang onza.

Datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan nang sicmura at lungmalambot-lambot ang tiyan, ó cun nacacatulog-tulog na ang maysaquit, caalam-alam ay gungmagaling.

Ang gamót sa frenesí ay gayon: Ang maysaquit ay houag lilibutin n~g maraming tauo. Ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa número 1, ó sa número 10, ó sa número 17.

Saca itinutuloy rin sa ilang arao; datapoua ang iinumin lamang nang maysaquit ay timbang cahati.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap