United States or Guam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumabás ang procesión pagca alas ocho y media sa lilim n~g m~ga toldang lona. Nacacahawig din n~g guinawâ, cahapon, baga man may isáng bagay na nabago: ang m~ga Hermano n~g V.O.T., na m~ga matatandang lalaki't babae, casama ang iláng m~ga dalagang patungó na sa pagtandá, ang pananamit na dalá'y mahahabang hábitong guingón: damít na guingóng magaspáng ang sa m~ga mahihirap, at ang sa m~ga mayayama'y guingóng sutlâ, sa macatuwid baga'y ang tinatawag na "guingông franciscano", sa pagca't siyang lalong caraniwang gamitin n~g m~ga cagalanggalang na m~ga fraileng franciscano. Ang lahat n~g m~ga mahal na hábitong iyó'y m~ga dalísay, sa pagca't pawang galing sa convento sa Maynil