United States or Yemen ? Vote for the TOP Country of the Week !
Paris n~g katotohanang madilím ang gabí, may init ang araw, may lamíg ang buwan; paris n~g katotohanang akó ay may pusô, ikáw ay may atáy; paris n~g katotohanang ikáw ay maganda, akó ay pan~git. Pati, Pati ... at tinutop ang kanyáng dibdíb na tila ibig máwalat sa pitlág n~g pusòng noón ay dumanas n~g dî gágaanong alíw.
Sandalíng tumigil at kanyáng námalas ang dalawáng ibong naba sa bayabas, na sabáy umawit; yaóng kanyáng dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad. Saká nang magsiping n~g lubháng payapa m~ga titig niyá'y di tumagál yata't mulíng naghinagpís: «Mapalad pa siláng may ganáp na laya at hindi gaya kong may sumásansala ...