United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
Aywán din ngâ. Samantala'y ating masdán ang mga kílos ng laláki. Hindî na siya ngayón nakatigil, lumalákad ná at tinutungo ang báhay. Ang báhay na itó ay may tánod palá! isang nakabaril na ngayo'y lumabás sa silong at lumuklók sa isang bangkô na nása sa labás ng pintùan. Sandalî nating matyagan ang tánod. Siya'y may katandâan ná. Bukód pa sa pandak, ang katawán niya'y hukót at payát na payát.
Salita Ng Araw