United States or Cocos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


"Na ang pag-íisip ay tulad sa m~ga cayamanan at cung may m~ga nacióng mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman; cung may nagbabalac na táong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang gayong tao'y namamali, sa pagca't siya'y sumilang sa sandaigdigang dukhâ at hubád na cawan~gis n~g alipin; minamana ang catalasan n~g isip na tulad naman sa cayamanang naipamamana. Pawang mayayaman sa pag-íisip ang m~ga nación sa Europa; datapwa't ang m~ga tao roon n~gayo'y hindî mangyayaring macapagsalitâ, cung di ring lamamg maghahambog, na pagdaca'y mayaman na sila sa pag-íisip mulâ n~g mátayô ang canilang m~ga nación; nagcailan~gan silang gumugol n~g maraming siglo sa pagpupumilit sa pamamag-itan n~g pagbabaca upang camtán ang m~ga calayâan, magagaling na m~ga cautusan at iba pang sarisaring paraan, at n~g masundoan ang m~ga cayamanan n~g pag-iisip na canilang ipinamana pagcatapos sa m~ga táo n~gayon; ang m~ga nagpapakinang n~g isip n~gayon, ang catowid baga'y ang nagtuturo n~gayon sa m~ga cabataan, di n~ga nila magagawâ ang gayong m~ga bagay cung hindî sana nila sinamantala ang salinsaling natutuhan n~g m~ga táong sinundan nila, at cung hindî naman sila lubos na nagsumakit; ang bagay na ito'y sinasacsihan n~g Historia n~g panahong una'y hindî higuit ang cagalin~gan n~g pagpapalagay n~g m~ga romano sa m~ga alemán, sa pagpapalagay n~g m~ga castíl

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang. Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.