United States or Dominican Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Narito po't, iyong cuha capirasong baro niya, sa ermitañong maquita ay inabót capagdaca. Hinagcán na't, tinangisan yaong baro niyang tangan, luha sa mata'i, bumucal parang agos ang cabagay. At nag-uica nang ganitó Jesús na Panginoon co, ngayon lamang naquita co ang mariquit na baro mo. Ang hindi co naquita catauan mong mapanintá, di co nababayaran pa ang aquing nagauang sala.

Ang sagót ni doña Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si Leonora. Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang. Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora. Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i, nacasisilao.

May cahoy siyang naquita na tantong caaya-aya, sa caagapay na ibá siyang tangi sa lahat na. Ang daho'i, sacdal nang inam para-parang cumiquinang, diamante'i, siyang cabagay sa mata'i, nacasisilao. Ang naisipan nga niya sa loob at ala-ala, doon na tumiguil bagá itong príncipeng masiglá. Ang nasoc sa calooban ang cahoy na ito'i, siyang marahil hinahapunan nang ibong cong pinag-lacbay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap