United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nagtayô n~g m~ga panahong iyon n~g isang "logia" n~g m~ga filipino, na pinamagatang Solidaridad , at mulâ noo'y sumilang ang adhicang palaganapin sa m~ga filipino ang masonería.

Sinabi na natin na ang m~ga "mason" ay di kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon n~g m~ga Katipunan. Alam na natin na, ibá ang "Masonería" sa "Katipunan," at ang "Liga Filipina" nama'y walang kinaalam sa dalawang nauna. Bawa't isá ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at adhikain.

Subali't ang kapatiran n~g m~ga "masón," ay kasalun~gat ni Bonifacio ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal n~g m~ga "fraile" at n~g Pamahalaang Kastila sa pilipino. Ang "Masoneria" at ang "Katipunan" ay nagkakaisá sa kanilang han~gad na pagtubós sa Bayang Pilipino.

Ganitó ang pan~gunang layon n~g "Liga Filipina" na itinatag nina Rizal at m~ga kapatid niyang "masón" at ibá pa. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi rin doon. 33. =Di ba't ang "Katipunan" ay humuwad sa "Masoneria" n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?= Oo na n~ga.

Ang m~ga "convento" ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga "logia," ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g "Masonería."

Dahil dito ay sukat n~g mataho na ang m~ga "masón" ay m~ga taong nakakakaya at ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa "Masonería," na m~ga anak pawis, m~ga dukha't maralita.

N~guni't bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g "Masonería," ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga manggagawang hamak, na ang kabuhaya'y "isang kahig, isáng tuka"; pagka't upang maging "mason," isa sa m~ga pan~gunahing kailan~gan ay ang ikaw'y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa't m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan.