United States or Guernsey ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bagá man m~ga kasapi sa "Katipunan" ang nan~gahuli, ay m~ga "mason" din, daw, alinsunod sa sulat n~g "cura" sa tinurang bayan na si Agustin Fernandez sa pinuno n~g Kastila rito sa Maynila na si Luengo.

"Ibig namin ang hiling sa España n~g m~ga masón na ang aming baya'y maging karapatdapat, maging malaya't maginhawa, na sa kaniyang pan~ganorin ay tumanglaw ang maningning na araw n~g katarun~gan at kabihasnan.

Si Rizal at halos ang marami sa m~ga "mason" ay m~ga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang nahihidwa sa m~ga aral n~g "Masonería" sa kanyang m~ga kampon.

Kaya, lahat n~g kilos nina Bonifacio at m~ga kasamahan ay sa m~ga "mason" ibinabagsak, bakit ang amá naman n~g "Katipunan," sa nasa niyang magkasamasama ang lahat, sa lilim n~g watawat n~g samahang kaniyang pinamunuan, ay di lamang hindi nagpapasinun~galing sa gayong akala kundi bagkus pang pinagtitibay.

38. =Ang ibig bang sabihin niya'y kalaban ni Rizal at n~g m~ga "mason" si Bonifacio at ang "Katipunan"?= Malayo.

50. =Hindi ba itinigil ang paguusig na yaon sa m~ga mason?= Nang taong 1893 at n~g m~ga unang buwan n~g taong 1894, ay napatigil ang m~ga paguusig sa kanilá.

Subali't hindi maikakait na ang "Masonería" at ang kaniyang m~ga kampon ay siláng nagsabog sa m~ga kalahi n~g m~ga kurong dakila ukol sa ikatutubós; silá, ang m~ga masón, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga kasapi sa "Masonería," ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa España n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan.

Ang kilusan sa paghihimagsik n~g "Katipunan" na noo'y lumaganap na sa m~ga taong bayan, lalonglaluna sa m~ga lalawigang tagalog, ay sa m~ga mason naman ipinagbintang. Sila na naman ang hinuli, pinahirapan at ipinagbibilanggo.

Ang m~ga pagsusumikap na yaon n~g m~ga mason ay siyang ikinamulat n~g bayan sa kanyang aping kalagayan.

Ganitó ang pan~gunang layon n~g "Liga Filipina" na itinatag nina Rizal at m~ga kapatid niyang "masón" at ibá pa. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi rin doon. 33. =Di ba't ang "Katipunan" ay humuwad sa "Masoneria" n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?= Oo na n~ga.