United States or Guadeloupe ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sugat na gaua nang pusa ó nang asong ulol, ay nabababao n~ga cun minsan siyang cusa, di man gamutin; datapoua pag nacaraan ang tatlong lingo, ó ang isang boua,t, calahati, ó tatlo cayang bouan, ay nararamdaman nang may catauan na masaquit-saquit yaong lugar nang sugat na nabahao.
Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati.
Ang maysaquit ay dumurual cun minsan, at nag-iilaguin nang tila madilao at mabaho ang inilulura niya; hindi gaya nang inilulura nang nagcacasaquit nang pulmoníang totoo, cundí madilao sa roon. Ang bibig nang maysaquit ay mapait, hindi pinapauisan siya, tila mayroong siyang nararamdamang mabigat at masaquit-saquit sa sicmurang palibot. Ang color nang muc-ha ay madilaodilao, at tila nag-iiba.