United States or Mozambique ? Vote for the TOP Country of the Week !
At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Próspero. Narahio siya capagdaca sa mañga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan niya, at masama naman ang casasapitan ninyo.
Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo. Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito.