United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cay doña María'i, itó cun uala ring daan aco, hinauacan nanga rito yaóng itiniráng frasco. Ibinuhos na marahan ang tubig sa frascong mahal, ano pa nga't, nag-languyan ang tauo sa caharian. Ang tubig ay umapao nga hangang palaciong bintana, dito'i, agád nanga mutlá ang lahát nang tauong madlá. Ang uinica ni don Juan sucat na sintá co't, búhay, aquing ipa-aaninao ang totoong catuiran.

Ano pa nga at nagcabagay pinag-isang catuiran, tinauag nilang marahan doña Leonorang mahal. Nang oras ding yaón naman sabáy silang iquinasál, fiesta'i, dalauang siyam sa Berbaniang caharian. Ay ano'i, nang matapos na ang canilang pagsasayá, isasalin ang corona cay don Juang anác niya. Si doña María'i, nag-uica ó monarcang daraquila, sumandaling mag-unaua sa aquing ipag-uiuica.

Sa iyo ang carampatan si don Juan ay ipacasál. sapagca't, iyong binuhay sa balóng quinahulugan. Sa hatol bagang nasambit sinong macapag-aalis, doña María'i, nagtindig at capagdaca'i, nagsulit. Ito ang uinica niya ó daraquilang monarca, dinguin ngayon nang lahat na ang aquing munting querella. Ang uica nang haring mahal sabihin mo na at turan, at nang aquing maalaman ang iyong pahahatulan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap