United States or American Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co. URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.
Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan.