United States or Burkina Faso ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tunay n~ga pò, at lalong malaqui pa ang pagibig nang Dios sa pagibig ninyo. Ang ama. At ¿di mamacailang inulit-ulit co sa inyo, na natatalastas at naquiquilala nang Dios ang lahat na mahiguit sa atin, man~ga hamac na capal, na sa ating mapurol na caisipan ay madalas na di natin naaalaman ang nauucol sa atin? Si Enrique.
Caya ang nangyayari sa caramihan ninyong mañga indio , maguing tagalog, maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay gayon: Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, ó nang inyong capoua tauo, ó nang inyong sariling cahunghañgan ó capalaluan, na paluasin baga ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i, mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, ó matalas caya ó mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.
Ituto mo rin po Ináng mapagpala masayod na lahat yaring ninanasa, mapuról cong isip capós na acala matutuhan co rin ang isasalita. Man~ga camahalang napapauang nobles may sinimpang dunong at tahó sa leyes, manipis cong alam at salát na isip nangahás cahima,t, di talastas batid.