United States or Bolivia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Marahil dumaan ang pagpauis sa catapusan nitong saquit; at cun gayo,i, magaling painumin ang maysaquit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao nang mapauisan pa mandin.

Ang salang pag-gamot sa maysaquit, yaon ang totoong iquinalalaqui nang caniyang saquit: cun minsan pinipilit mapauisan ang maysaquit; at ang lahat na bagay na mainit guinagaua, at ipinaiinom doon, sapagca ang isip nang maraming tauo,i, ang pagpauis ay nacauauala sa lahat na saquit.

Ang magaling doo,i, cuscusin ang man~ga paa nang mainit na damit na idinadarang sa apoy. Saca maiguing ibabad nang malauon ang man~ga paa sa malacucong tubig na pinaglagaan nang manzanilla, ó bulaclac nang alagao. Lalo pang madaling gagaling ang maysaquit cun siya,i, humiga,t, gumaua nang capaanyo ang mangyaring mapauisan ang caniyang paa.

Cun talagang mauauala na ang saquit na culebra, sapagca,t pinapauisan na ang may catauan, ay bibig-yan nang tubig na may salitre, na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao para nang turo co sa párrafo 230, na sinundan nito at ituloy itong pag-inom sa ilang arao, nang siya,i, mapauisan pa mandin.

Cun ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay cucumuta,t, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin muna nang ga dalaua ó tatlong cucharang alac sa misa ó nang caunting triaca. Cun baga mahirap na totoo ang paghin~ga nang maysaquit, ay cailan~gang sangrahan sa camay.