United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang AKLAT NA GINTO hindi isang aklat lamang na kakikitaan n~g m~ga kaalaman sa panggagamot na walang gamot sa katawan n~g tao, hindi isang aklat na kababasahan lamang n~g m~ga paraan n~g panghuhula at iba pa; kundi isang aklat na katutunghayan n~g mahahalagang bagay na nauukol sa kapangyarihan n~g ating diwa, siyang kaluluwang ibinigay sa atin n~g Diyos upang tayo'y maging tao at gumawa nang parang tao na inilarawan n~g Diyos na Maykapal sa kanyang ayos at katayuan. Sa makatwid tayo'y larawan n~g Diyos na katulad niya na hindi n~ga lamang makagawa n~g katulad n~g kanyang m~ga gawain pagka't hindi natin kilala ang kalihiman n~g kapangyarihan n~g diwang isinangkap niya sa atin. Sa AKLAT NA GINTO mababasa ninyo ang kalihiman nito, upang ang diwang iyang ibiniyaya sa atin n~g Diyos ay ating magamit sa maraming bagay upang mapapaginhawa n