United States or Jordan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anhin mang lasapin ang mayamang handa di gaya n~g dilag n~g m~ga hiwaga; iyang mapamihag kaligaligayang maningning na tala sa lan~git n~g bayang luoy sa pagluha. Lalo na ang dikit n~g magandang Tuning namamaibabaw sa madlang kapiling, at nakikibagay sa kislap n~g hiyas na lubhang maningning kaya si Ruperto'y nagmamalaki rin.
Kaya, nang panahong si Teang ang tampulan n~g kanyang dilang pan~garap at boong pagirog, anomang mapamihag na kilos na sa kanya'y ni Elsa ay han~gin lamang na nagdaraan sa papawirin kanyang pagpapakundan~gan. Datapwa't.... Kailan man ay hindi naging malamig ang apoy. Walang nagmalikot na maglaro nito na hindi napaso.