United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kayong Ama't Ina na palatun~gayaw at mapagsalita nang wikang mahalay kayo ang sa anak ninyo'y umaaral nang lahat nang man~ga likong kaasalan. At ang nagtuturo sa man~ga inanak nang bagay na man~ga di karapatdapat kayo rin sa huli naman ang lalan~gap nang bun~gang mapait sa binhing masaklap.
Sa dati'y "mapagkatakata", mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin, ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta. "Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't ginawang "makata" buhat sa "makatha" na kawangis ng "mapagkatakata" , at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na salitang tumpak.
Salita Ng Araw