United States or Palau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Subali't gayon man, upang huwag yatang maging an~gap ang kanyang m~ga kilos, at nang mawalan na n~g sukat makasaksi sa kanyang pagbibigay panahon sa pagpapakaliklik sa pan~gan~garap n~g gising sa laot n~g m~ga hiwaga n~g pusong inaalihan n~g bulag at walang habas na pagsinta, ang ginawa'y inutusan ang dalawang alilang tan~ging kasama noon sa bahay, na bumili n~g kahi't anong bun~gang kahoy na maaaring magulasina, gaya n~g siko, mansanas o anoman.

Kung alin ang masarap sa iyo ay siya mong bilhin at masarap din sa akin ang pakli mo na sinundan ng ngiting puno ng saya. At muli akong lumapit sa magmamane. Pumili ako sa isang bilao ng dalawang mansanas at pagkatapos ay ibinigay ko sa iyo ang isa. Iyan, iyan ang masarap ang bigkas mong sabay sa pagtanggap ng mansanas. ¿Totoo nga ba? ang tanong ko naman.

At sa panghuhula mong iya'y walang pagsalang matutunayan mong boong kaluluwa't boong pagkataong ikagagalak ko ang pagdalo nating magkapareha sa sayawan n~gayon, sapagka't kakanin ko n~g boong pananabik ang ... iyong mansanas. Natawa si Elsa. At natawa rin si Tirso. Makasandali ay saka nagsalita ang mestisa.

Naito ang mansanas, ang magiliw na alok ni Elsa sa kanyang panauhin. Nagpabili ka pa pala niyan, ang nawika ni Tirso pagkamalas sa ipinagaanyaya n~g mestisa. Nagpabili ako nito, Tirso, at nais kong sa pamamagitan nito ay mahulaan ko ang iyong m~ga niloloob.... ¿Sa paanong paraan?