United States or Suriname ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ngayon din magmarali ca isang salóp na trigo'i, muha, aquing susubuquin bagá nagsadyáng mangangasaua. Ay ano'i, nang dumating na ang trigong ipinacuha, don Juan ay sumunod ca sa útos co ngang lahat na. At cun di mo masunod nga ang aquing ipagagaua, ualáng pagsalang daquila ang búhay mo'i, mauauala. Itong trigo ay cunin mo pag-ingatan mong totoo, sasabihin co sa iyo ang lahat nang gagauin mo.
Na mamayang á las cinco maguiguising na seguro, mahal na haring amá co ay maquiquita ca dito. Cun icao ay tatanungin pinagsadyá mo'i, cun alin, ang iyo namang sabihin mangangasaua ang hinguil. At cung tauaguin, ca namang manhic sa palacio real, huag magtulóy don Juan at icao ay mamamatáy. Ang iyong isagot lamang sa haring aquing magulang, acó po ay pag-utusan nang emperador cong mahal.