United States or United States Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oh, datapuwa't nakikita n~g Justicia at n~g Cadalisayan n~g Dios ang darating bago guinawâ ang paglikhâ sa Sangsinucob! ang isinagót n~g lalaking matandang nan~gin~gilabot na tumindíg. Ang boong kinapal, ang táo ay isáng linaláng sa isáng nais lamang n~g calooban; n~guni't hindî niyá kinacailan~gan, cayá't hindî n~gâ marapat na likhaín niyá, hindî, cung cacailan~ganing mapacasamâ sa waláng hanggáng casaliwaang palad ang daándaáng táo upang mapaligaya ang isá lamang, at ang lahát n~g itó'y dahil sa m~ga minanang casalanan ó sa sandalíng pagcacasala, ¡Hindî! Cung iyá'y maguiguing catotohanan, sacalín na ninyo't patayin iyáng inyóng anác na lalaking diya'y tumutulog; cung ang ganyáng pananampalataya'y hindî isáng malaking capusun~gáng lában sa Dios na iyáng dapat na maguíng siyáng Dakilang Cagalin~gan; pagcacágayó'y ang Molok fenicio na ang kinacai'y ang inihahayin sa canyáng m~ga pinápatay na táo at ang dugóng waláng-malay-sála, at sinususunog sa canyáng tiyán ang m~ga sanggól na inagaw sa dibdib n~g caniláng m~ga iná, ang mamamatay-táong dios na iyán, ang dios na iyáng calaguimlaguím, cung isusumag sa Canyá'y masasabing isáng dalagang mahin