United States or Honduras ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác. Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.

Mahabang panahóng canyang in~gat-in~gat ni sinoma,i, uala na na cacamatyag, bilin nang matanda,i, canyang guinaganáp pag mamahal niya,i, ualang macatulad. Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya batóng encantadong perlas ang capara, isang arao n~gani na icacain na sa bató,i, humin~gi nang isang comida.

Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan dito sa cay Juan niyong pag mamahal, palibhasa,i, uala at iisa lamang di ibig ni Fabiong bata ay oouang. Ináng si Sofia,i, ualang guinagaua arao, gabi cundi ang pag-aarugá, si Fabiong asaua ay palaguing uala hanap ang sugalan at pagalagala.

Ináng nag mamahal ay di alintana cahit di sumunod cun utusan niya, loob ay malinis sa anác na sinta palibhasa,i, bugtong at iisa isa. Nang mag cabait na,i, naguing cagauian umaalis siya sa canilang bahay, sa man~ga capoua,i, hindi omaabian na naquiquilaró sa canino pa man.

Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan.