United States or Eritrea ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sang-ano man ang maguing capan~galuguihan co, at mauala man sa aquin ang lahat cong man~ga tinubo, ay mamagaanin cong lahat, houag lamang mapacasama ang aquing caloloua . Pinuri ni P. Borgar ang gayong magandang banta, at nan~gacong tutulon~gan siya sa pagganap nang caniyang ninanasa.

Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo.

Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat, sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua. Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap