United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Arao arao ay darasalin ang unang Panalan~gin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong Aba Guinoong María , puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama natin, at saca isa pang Ama namin at Aba Guinoong María , puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.
Palibhasa,i, naquinabang siya sa Dios Ama nang capangyarihan, sa caniyang bugtong na Anac nang caniyang carunun~gan, at ang Dios Espíritu Santo nama,i, nagcaloob at naghulog sa caniyang puso nang caniyang sinta; si san Agustíng din ang nagbigay pagcatotoo nito; na ganito n~ga ang marahil niyang uiniuica sa Pan~ginoon Dios: Cun ga icao , aniya, Pan~ginoon co ay si Agustino, at ga ang Dios na ay aco, iiuang co ang pagca Dios co, at ibibigay co sa iyo,t, nang icao ang maguing Dios co . Sí, sapagca palad co aya, cun aco,i, maguing dapat magcamit nang gagaduplis man lamang na quidlat nang gayong sinta, na icapaglathala nang pananampalataya, manin~gas na pan~gayupapang pagcauili at maliyag na pagbunyi dito sa casanto-santosan at canin~gasnin~gas na Trinidad.