United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oh torreng tahanan aalis na aco! ¡oh catreng hihigán paalam sa iyo! hindi na babalic at uacás na ito nang capós cong palad sa Españang reino. Paalam ¡oh balcong aquing panun~gauan! ¡Oh sillang loclocan sa iyo,i, paalam! ito ay uacás na,t, cayo,i, malilisan nang saliuang palad sa Españang bayan.
Bala niyang ipag-uica aminin mo namang paua, hindi icao ang gagauá at aco'i, siyang bahala. Paalam aco don Juan quita muna'i, malilisan. at mamayang gabi naman saca quita babalican. Umalis na capagdaca yaon ngang tatlóng princesa, ay siyang pagcaguising na nang haring canilang ama. Nang maquita si don Juan nang haring Salermong mahal tinanong na capagcuan cun anó ang sadyá't, pacay.