United States or Slovenia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayon n~gang batid na natin ang dinamidami nitong m~ga lipilipi at angkan-angkang nan~gananahan dito na pawang kinikilalang pilipino ay di natin maliligtaan na di maitanong kahi't sa sarili kung ang m~ga ito ay katutubo rito ó kung bakit nan~gaparito at saan nan~gangaling.
Isa sa m~ga lahing hangang n~gayo'y nan~gananahan dito sa m~ga kapuluang Pilipinas ay ang m~ga "Itim" ó "Ita", at sapagka't ayon sa kapaniwalaan ay siyang unang nan~gamayan dito ay di n~ga maliligtaan sa kasaysayan n~g Pilipinas.
N~guni't hindi lamang ito, kundi dumating dito ang m~ga Americano at pinagsikapan ding masiyasat itong iba't ibang liping nagsisipangubat, na sa m~ga sumiyasat at nakakita n~g m~ga ito ay di maliligtaan sina Dr. Barrows, Comicionado Dean C. Worcester, John C. Foreman. Dr.