United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mahauas ang muc-ha malambot, malinis puti ay malinao ang balat maquinis, pilicmata'y sin-sin mahaba't malantic, sa matang maitim umaambag diquit; Ang quilay malagó't balantoc ang hubog itim na malabis ay calugod-lugod, ilong cayas bubó ugali ang tan~gos, ang buca n~g bibig cainama't ayos.
Ang m~ga buhok mo'y mahahabang ahas Kung nakasalalay sa iyong balikat, M~ga ulang waring di lupa ang hanap Kundi sampagitang humahalimuyak. Sa itim ay gabing walang buwa't tala, Sa haba ay halos humalik sa lupa, Sa lago'y halamang malago't sariwa, Sa sinsi'y masinsin at nakahahan~ga. Naging katulad ka niyong Penelopeng may timtimang pusong miminsang kumasi't Ang naging aliwa'y luha't paghahabi.