United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagbasa niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago matapos ang pagbasa niya nang historiang isinulat nang caniyang ama. Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i, nagpaalam na aco sa caniya, at ipinañgaco co sa caniya, na pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.