United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Totoong namahal yaong si Honrado doon sa Monarka't man~ga konsehero gayon din sa lahat nang man~ga soldado pagka't may dan~gal na'y mababa ring tao. Ang dalawang taon ay nang makaraan ang Francia'y kanya na nabalitaan na sa man~ga turko,y makikipaglaban dahil sa sigalot na di magkahusay.
Inilacad nan~ga ang canilang tropa at sampon nang Haring Clovis ay casama, tinun~go ang lual nang man~ga cabaca at nan~gag-ayos na ang isa at isa. Makita nang Hari yaong caramihan nang soldado niyang makikipaglaban, at yaong Cristiano ay cacaunti lamang caya't mananalo na inaasahan.
Kabilang na isa siya sa General na sa man~ga Turko'y makikipaglaban at ang hukbo niyang unang sasalakay at yaon ang yaring pinagkasunduan. Lumakad noon di't tinun~go pagdaka yaong m~ga morong kanilang kabaka makaitlong hintong nagpamuok sila hanggang sa kinamtan nila ang biktorya.