United States or Central African Republic ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang m~ga tula n~g makata ay bihirang hindi naglalarawan n~g alinman sa m~ga pook na yaong pinagtatamasahan n~g aliw n~g kanilang kaluluwa. Bihirang hindi bumabanggit sa maliligayang sandali n~g kanilang pagsisinaya sa kahilihiling kapalaran. At walang bigong talatang di nagpapagunita sa mestisa n~g nagtatamisang pangyayaring nangyari sa mabiyayang panahon n~g kanilang suyuan....

Kung sino ang dapat makabatid niyan ay siyang dapat makapagsabi, ang sunggab ni Elsa. ¡Ikaw! ang tukoy ni Tirso sa mestisa. ¡Ikaw! ang batik naman ni Elsa sa makata. Tila narinig ko kung kanino na siya'y inauwi sa probinsia, n~guni't ito naman yatang si Elsa ang nagsabi sa aking minsan na siya ay nasa kolehio, ang badya naman ni Dioni. ¿Nasa kolehio? anang lalaki.

Gaya n~gayon, pan~giting naitugon n~g makata, narito ang natuturang kabiyak n~g kanyang puso, subali't nariritong hindi sa kanyang kandun~gan nagpapasasa n~g ligaya....

At, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang makata ay ibilang sa ganyang m~ga may hinihintay.

At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata. ¡Makatang mapalad! ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.

Noong araw, ang saklaw n~g dalaga. ¿N~guni't n~gayon? itinanong n~g hipag. Naghilian sa pagsagot ang dalawa. Tuwinang mapaguusapan ang n~galan ni Teang ay di matimpi ni Tirso ang pananabik na gumigiyagis sa kanya. At tuwina namang may mahahalatang ganyan si Elsa, ay lalong nagdaragdag n~g sikap para siya ang makapangyari sa isip at damdamin n~g makata.

Sa kabilang dako, kung ano ang tunay na katuturan n~g hindi pagsangayon ni Tirso sa mungkahing sila'y lumagay na sa panatag, ay siyang hindi nahulaan n~g matalinong si Elsa. Mangyari'y tuwinang mapaguusapan ang bagay na iyan ay kaagad nang tatawagan n~g makata ang alaala n~g mestisa tungkol sa kinakailan~gang pagpapakahinahon n~g sinomang gaya nila na tumutuntong sa gayong baytang n~g kabuhayan.

At malayong pagsalagimsiman ang makata n~g kahi't anong di mabuting hinala, kung pinananayn~gahan n~g mestisa ang nan~gabanggit na parirala n~g kanyang talisuyo, ay ipinalalagay pang siya'y nakaririnig n~g tinig n~g anghel na tumatawag sa kanya't nan~gan~garal n~g kabanalan.

At ang kanyang isinagot: ¿Ikaw ba, Silveira, ay patay na loob na di nakabalita, kahi't balita lamang, tungkol sa milagrong nangyari kina donya Basilia? Lalong nagibayo ang bakla n~g panimdim n~g makata. At itinanong: ¿ Milagro ? ¿Kailan? Nitong ilang araw na kalilipas na bago maalis sa bahay na iyon ang babaeng ipinagtatanong mo. Iulat mo, Martinez. Iulat ay huwag na.

Aywan n~ga ba kung ako ang bukod na natatan~gi sa m~ga mapapalad na iyan.... At minsan pang namalas ni Tirso noon ang talagang pagmumukhang nahahapis n~g diwatang yaong kapatid n~g kasayahan. Ang mestisa't ang makata ay nagkatalikod noong taglay-taglay sa ubod n~g puso nitong huli ang m~ga bagong tibukin....

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap