United States or Romania ? Vote for the TOP Country of the Week !
At bago lumabás ulî ay makailán munang binikásbikasan ang kanyáng bihis at itinanóngtanóng sa sarili kung ang ayos niyáng yaó'y sapát nang makapagpalundág n~g isáng pusò sa kanyáng kinalálagyán. At nang tila nasiyahán na ang loób ay sakâ pa lamang naupô sa isáng luklukang may gadipá lamang ang layô sa kanyáng panauhin. ¡Anóng pagkâgandágandá ni Pati noón sa malas ni Sawî!