United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !
At noón din pagkatapos na mahagkan si Serafina at gayon din ang m~ga anák niya ay si Mauro na rin ang nagyayang sumakay sa naghihintay na ambulancia .... At mula noón si Mauro ay naging isang bilanggo. Siyam na buwan at isang araw ang hihintayin upang siya'y makalaya. ¡Oh, ang tadhana!
At si Serafina at ang tatlo niyang anák ay sumakay sa isang karumata at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga pan~gun~gusap na itó: M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang ang inyong amá ay makalaya.