United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung pagmamalasing mabuti ang anyo n~g naglalakbay na iyon sa hating gabi ay makikita, na, siya'y isang binatang lumabás pumasok sa dalawang pu't dalawang taon; ang kanyang pagmumukhang nasan~gag sa init n~g araw ay nagpapahayag n~g isang kalamigang loob na may halong katalaghayang makaaakit sa sino mang makakaharáp; datapwa't ang kaniyang magandang tindig, ang anyo niyang banayad at ang kaliwanagan n~g kaniyang noo na wari'y nagsasabing hindi naugali sa pagyuko, ay nalalaban mandin sa kanyang kagayakan na binubuo n~g isang mambisa at pantalong kulay abó, salakót na may palamuting gintô at pilak, botas de montar, espuelas na pilak, isang balaraw , dalawang revolver sa magkabilang baywang at isang rifle .
Maging sa tinig na lamang ng kanyang mga pangungusap ay sukat ng mapagkilala ang kanyang kakayanan sa karunungang ito. Siya nga naman ay isang maningning na talang inaasahan ng kanyang bayan. Maging ang kanyang paguugali ay sukat ng mapagkilala ng sino mang kanyang makakaharap na siya ay isang taong may mataimtim na kalooban.