United States or Turkey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nágulantang sa kanyáng pakikiuláyaw kay Antok, ay walâng nagawa kundî ang umígtad sa pagkakaupô, ipagngangáhang lalò ang bibig at pandilatin ang mga matá! Ang salitang "Magnanákaw!" ay hindî maisigaw! Ang baríl ay hindî mákalabít! "Isáng kilos, isáng sigáw, at ikáw ay patay!" ang pasalubong ng kanyáng panaúhin... "Naku pô!" ang marahang tugón. "Ibíbigay mo ang bilanggô ó hindî?" "Naku pô!"
Salita Ng Araw