United States or Barbados ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cung sa natuturang pagsagot, ay marami ang maisasagot mo sa caniya; subali,t, dito sa lagay nang capatid mo, tila,i, mauaualang halaga ang lahat nang casagutan mo, maguing ano ang iyong sabihin sa caniya. Baquit, , amo,i, gayon ang inyong uica?

Ganyán n~ga ang calagayan n~g bagay na ito: sumasampalataya ang ibá at ang ibá'y hindî. Bagá ma't sumáng-áyon na si San Gregorio, alinsunod sa canyáng "de quibusdam levibus culpis esse ante judicium purgatorius ignis credendus est," hindî rin nagcaroon n~g patuluyang catibayan ang Purgatorio, hanggang sa n~g ipasiyá n~g Concilio sa Florencia n~g taóng 1439, sa macatuwíd ay n~g macaraan na ang walóng daang taón, na dápat magcaroon n~g isáng apóy na pangdalísay ó panglínis sa m~ga cálolowang bagá ma't namatáy na sumísinta sa Dios, n~guni't hindî pa lubós napagbabayaran ang Justicia n~g May Capal. Sa cawacasa'y ang Concilio Tridentino , sa ilalim n~g pan~gun~gulo ni Pio IV n~g taóng 1563, sa icalabinglimáng púlong ay ilinagdâ ang cautusán tungcól sa Purgatorio, na ang pasimula'y: "Cum catholica ecclesia Spiritu Sancto edocta etc.," na doo'y sinasabing ang m~ga patungcól n~g m~ga buháy, ang m~ga panalan~gin, ang m~ga paglilimós at iba pang m~ga gawáng cabanalan ay siyáng mabibísang paraan upang mailigtás sa Purgatorio ang m~ga cálolowa, bagá man sinasabing ang paghahayin n~g misa'y siyang lalong cagalinggalin~gan sa lahat. Gayón ma'y hindî sumasampalataya ang m~ga protestante sa Purgatorio, at gayon dín ang m~ga páring griego , sa pagca't walâ siláng nakikitang pagbibigay catotohanan n~g Biblia , at sinasabi niláng binibigyáng wacás n~g camatayan ang taning upang macagawâ n~g m~ga carapatán ó n~g m~ga laban sa m~ga carapatán, at ang "Quodcumque ligaberis in terra" hindî ang cahulugá'y "usque ad purgatorium" etc.; n~guni't dito'y maisásagot na sa pagcá't na sa calaguitn