United States or Gabon ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Ang unang pinacabún~ga n~g napagtalacayang itó ay ang pagcapagbalac ni Rizal, na cung mapag-unawa sana n~g canyang m~ga cababayan, na cawan~gis n~g canyáng pagcaunawa, ang pagcacapantaypantay na iyan, ito'y maguiguing isang paraan upang maipailanglang ang dunong n~g m~ga filipino. Dumatíng siya sa paniniwalang matáas ang pag-iisip sa pag-aaral n~g m~ga tagalog cay sa m~ga castila (ang iláng m~ga castilang n~g panahóng yao'y canyáng nakilala;) at canyáng sinsasabi n~g boong galác ang cadahilana't dumatíng siyá sa ganitong paniniwalâ. Sa ganito'y canyáng sinasabi: Sa m~ga colegio sa amin ay isinásaysay na lahát sa wicang castila, catutubong wica n~g m~ga castila, at wicang hindi namin kilalá; cayâ n~ga't dahil dito'y kinakailan~gan naming magpumilit n~g higuit cay sa canilá sa pagpiga n~g pag-iísip, upang maunaw
Salita Ng Araw