United States or North Macedonia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pagsuca at ang pag-iilaguing yao,i, ang nacagagaling sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailan~gang sumpitin nang tubig na may asin; maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na idinadarang sa apoy. Cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua masama ang lasa nang bibig.
Maigui ring painumin nang café, na sinamahan nang isang cucharang aguardiente, na yaon ay gagauin pagca inato nang guinaua ang ibang man~ga turo co n~gayon, at hindi rin natatalo ang saquit. Itong man~ga bagay na sinabi co n~gayon ay gagauin sa oras nang paghihirap nang babaying sinusubaan.
Cun nacacaya ang maysaquit ay maigui sa lahat ang pagsacay sa forlon ó sa cabayo . Bucod dito houag siyang hihipo nang anomang gaua pagca bagong nacacain.
Ang ugat ay pinatutuyo muna sa arao ó sa apoy man, bago bayuhin. Cun hindi pumayag ang maysaquit doon sa pasuca nang número 35 ay na-aari ang pasuca nang malacucong tubig na sinamahan nang lan~gis, azúcar at suca. Maigui naman doon ang man~ga bagay na nagpapabahin para nang polvos nang tabaco , etc. Bucod dito ang maysaquit ay mag-iin~gat sa ulan sa hamog , at sa calamigan nang panahon. Nota.
Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bun~ga nang cahoy, ó botó nang man~ga bun~ga. Cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti han~guin nang sipit na cauayan.
Cun ang nana,i, napapabobo sa loob nang bituca, ay lungmalabas na casama n~g inailaguin, at ang maysaquit ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,i, painumin lamang nang gatas na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan n~g isang sa icatlong bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang gatas na tinubigan, na may casamang pulot na caunti.
Cun ualang tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa tapat nang muc-ha niya, ay maigui ang pag-gaua nang isang hucay na munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang sin~gao nang lupa. Pagca nasaol-an na ang tila patay, ay babasain nang suca ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at palolonoquin siya nang isang cucharang suca rin.
Maigui ring ipan~guya sa maysaquit ang isang san~ga nang macabuhay na mapait hangang malasahan niya ang pait. Ang pinan~gan~ganlang agua de luz , ay yaon ang mabagsic sa lahat na gamot.
Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang suero nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.
Cun mayroong aguardiente ó alac na matapang sa niyog ay maigui ibabad doon ang man~ga damit na pan~guscos. Mabuti namang ilapit lapit sa apoy ang tila patay cun guinagaua itong man~ga turo co n~gayon. Magaling ding ibaon hangan liig sa buhan~gin cun baga mainit ang arao.
Salita Ng Araw